Ang Gabay sa Masayang Pagbabasa ay sadyang inihanda para sa mga mag-aaral sa Preschool. Ang pangunahing layunin ng aklat na ito ay mabigyan ng sapat na paghahanda sa panimulang pagbasa ang mga batang nagsisimula pa lamang ng pormal na pag-aaral ng wikang Filipino. Kung kayat kapansin-pansin ang maraming pagsasanay na inihanda ng may-akda upang mapalawak ang talasalitaan ng mga preschoolers.
Taglay ng aklat na ito ang mga aralin tungkol sa mga titik ng makabagong alpabetong Filipino. Kasanib sa bawat aralin ang pakikinig at tamang pagsasatunog ng mga titik. Binigyan din ng kaukulang pansin ang kaugnayan ng tunog ng bawat titik sa pagbuo ng mga pantig, mga salita at mga pangungusap na siyang batayan sa mabisang pagbasa.
Ang mga maikling tula at karaniwang awit sa isinama sa huling bahagi ng aklat ay sadyang pinili upang unti-unting mamulat ang mga mag-aaral sa kagandahan ng ating wika.
Nawa’y ang mga aralin at mga pagsasanay na napapaloob sa aklat na ito ay magbigay daan sa mabisang pag-aaral ng Filipino sa ating mga mag-aaral sa Preschool.